Mga Kawikaan 9:1-6
Mga Kawikaan 9:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain. Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan: “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit: “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo. Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”
Mga Kawikaan 9:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang karunungan ay katulad ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay na may pitong haligi. Pagkatapos, nagkaroon siya ng malaking handaan. Naghanda siya ng mga pagkain at mga inumin. At saka inutusan niya ang mga katulong niyang babae na pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayan para ipaalam ang ganito: “Kayong mga kulang sa karunungan at pang-unawa, inaanyayahan kayo sa isang malaking handaan. Halikayo, kumain kayo at uminom ng aking inihanda. Iwanan na ninyo ang kamangmangan upang mabuhay kayo nang matagal at may pang-unawa.”
Mga Kawikaan 9:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
Mga Kawikaan 9:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain. Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan: “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit: “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo. Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”
Mga Kawikaan 9:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; Kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; Siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: Tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, At magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; At kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.