Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 8:1-11

MGA KAWIKAAN 8:1-11 ABTAG01

Hindi ba nananawagan ang karunungan, at nagtataas ng tinig ang kaunawaan? Sa matataas na dako sa tabi ng daan, siya'y tumatayo sa mga sangandaan. Sa tabi ng mga pintuan sa harapan ng bayan, siya'y sumisigaw ng malakas sa pasukan ng mga pintuan: “Sa inyo, O mga lalaki, tumatawag ako, at ang aking sigaw ay sa mga anak ng mga tao. O kayong mga walang muwang, matuto kayo ng katalinuhan; at, maging maunawain kayo, kayong mga hangal. Makinig kayo, sapagkat magsasalita ako ng mga bagay na marangal, at mamumutawi sa aking mga labi ang matutuwid na bagay; sapagkat ang aking bibig ay magsasabi ng katotohanan; at karumaldumal sa aking mga labi ang kasamaan. Ang mga salita ng aking bibig ay pawang katuwiran; sa kanila'y walang liko o baluktot man. Sa kanya na nakakaunawa ay pawang makatuwiran, at wasto sa kanila na nakakatagpo ng kaalaman. Sa halip na pilak, ang kunin mo'y ang aking aral; at sa halip na dalisay na ginto ay ang kaalaman. Sapagkat mabuti kaysa alahas ang karunungan, at lahat ng maaari mong naisin, sa kanya'y di maipapantay.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 8:1-11