Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 4:7-12

MGA KAWIKAAN 4:7-12 ABTAG01

Ang pasimula ng karunungan ay ito: Kunin mo ang karunungan, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. Pahalagahan mo siya, at itataas ka niya; pararangalan ka niya kapag niyakap mo siya. Isang kaaya-ayang putong sa ulo mo'y kanyang ilalagay, isang magandang korona sa iyo'y kanyang ibibigay.” Makinig ka, anak ko, at tanggapin mo ang aking mga sinasabi, at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. Itinuro ko sa iyo ang daan ng karunungan; pinatnubayan kita sa mga landas ng katuwiran. Kapag ikaw ay lumakad, hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumakbo, hindi ka mabubuwal.