Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 4:23-26

MGA KAWIKAAN 4:23-26 ABTAG01

Ang iyong puso'y buong sikap mong ingatan, sapagkat mula rito'y dumadaloy ang mga bukal ng buhay. Ang madayang bibig ay iyong alisin, ilayo mo sa iyo ang mga labing suwail. Tuminging matuwid ang iyong mga mata sa unahan, at ang iyong mga paningin ay maging matuwid sa iyong harapan. Landas ng iyong mga paa ay iyong tuwirin, at magiging tiyak ang lahat ng iyong tatahakin.