Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 30:24-33

MGA KAWIKAAN 30:24-33 ABTAG01

May apat na bagay na maliliit sa lupa, ngunit sila'y matatalinong lubha: Ang mga langgam ay hindi malakas na sambayanan, gayunma'y nag-iimbak ng kanilang pagkain sa tag-araw; hindi makapangyarihang bayan ang mga kuneho, gayunma'y gumagawa sila ng bahay sa malalaking bato; walang hari ang mga balang, gayunma'y lumalabas silang lahat na nakahanay; mahahawakan ng iyong mga kamay ang butiki, gayunman ito'y nasa mga palasyo ng mga hari. May tatlong bagay na sa kanilang lakad ay marangal; may apat na marangal sa kanilang paghakbang: ang leon na pinakamalakas sa mga hayop, at sa kanino man ay hindi tumatalikod; ang tandang na magilas; ang kambing na lalaki, at ang haring palakad-lakad sa harap ng kanyang bayan. Kung ikaw ay naging hangal, na ang sarili'y itinaas, o kung ikaw ay nagbabalak ng kasamaan, ilagay sa iyong bibig ang iyong kamay. Sapagkat sa pagpisil sa gatas, mantekilya'y lumalabas; at sa pagpisil sa ilong, dugo'y dumadaloy, gayon ang pagpisil sa poot, lumilikha ng sigalot.