Alamin mong mabuti ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga hayupan; sapagkat ang mga yaman ay hindi nagtatagal magpakailanman; at ang korona ba'y nananatili sa lahat ng salinlahi? Kapag ang damo ay nawala na, at ang sariwang damo ay lumitaw, at ang mga halaman sa mga bundok ay pinipisan, ang mga kordero ang magbibigay ng iyong damit, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid; magkakaroon ng sapat na gatas ng kambing bilang iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sambahayan, at pagkain sa iyong mga alilang kababaihan.
Basahin MGA KAWIKAAN 27
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 27:23-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas