Mga Kawikaan 27:23-27
Mga Kawikaan 27:23-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan. Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan. Putulin muna ang dayami, saka gapasin ang damo sa parang habang hinihintay ang susunod na anihan. Sa mga tupa kinukuha ang ginagawang kasuotan, at ang pinagbentahan mo ng iyong kambing ay maaaring ipambili ng bukid. Ang gatas ng inahing kambing ay sa ibang kailangan, sa pagkain ng pamilya mo't mga katulong sa bahay.
Mga Kawikaan 27:23-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mga hayop mo ay iyong alagaan at bantayang mabuti ang iyong kawan. Sapagkat ang kayamanan at kapangyarihan ay hindi mamamalagi magpakailanman. Putulin ang mga damo; at habang hinihintay ang muling pagtubo nito, putulin din ang mga damo sa kabundukan, upang may pagkain ang iyong kawan. Mula sa balahibo ng mga tupa ay makakagawa ka ng kasuotan, at maipagbibili mo ang iba mong mga kambing upang may pambili ka ng kabukiran. Mula sa mga kambing, makakakuha ka ng maraming gatas na sapat sa pangangailangan ng iyong pamilya at mga babaeng utusan.
Mga Kawikaan 27:23-27 Ang Biblia (TLAB)
Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan: Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi? Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan. Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid: At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; at pagkain sa iyong mga alilang babae.
Mga Kawikaan 27:23-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan. Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan. Putulin muna ang dayami, saka gapasin ang damo sa parang habang hinihintay ang susunod na anihan. Sa mga tupa kinukuha ang ginagawang kasuotan, at ang pinagbentahan mo ng iyong kambing ay maaaring ipambili ng bukid. Ang gatas ng inahing kambing ay sa ibang kailangan, sa pagkain ng pamilya mo't mga katulong sa bahay.
Mga Kawikaan 27:23-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, At tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan: Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: At namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi? Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, At ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan. Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, At ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid: At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; At pagkain sa iyong mga alilang babae.