Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 14:25-35

MGA KAWIKAAN 14:25-35 ABTAG01

Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit taksil ang nagsasalita ng kasinungalingan. Sa takot sa PANGINOON ang tao'y may pagtitiwalang matibay, at ang kanyang mga anak ay magkakaroon ng kanlungan. Ang takot sa PANGINOON ay bukal ng buhay, upang makaiwas ang tao sa mga bitag ng kamatayan. Ang kaluwalhatian ng isang hari ay nasa dami ng taong-bayan, ngunit napapahamak ang pinuno kapag walang sambayanan. Ang makupad sa galit ay may malaking kaunawaan, ngunit ang madaling magalit ay nagbubunyi ng kahangalan. Ang tiwasay na puso ay nagbibigay-buhay sa laman, ngunit ang pagnanasa, sa mga buto ay kabulukan. Ang umaapi sa dukha ay humahamak sa kanyang Lumalang, ngunit ang mabait sa mahirap, sa kanya'y nagpaparangal. Ang masama ay ibinabagsak dahil sa kanyang gawang kasamaan, ngunit ang matuwid ay may kanlungan dahil sa kanyang katapatan. Ang karunungan ay nananatili sa puso ng may kaunawaan, ngunit nalalaman ang nasa mga puso ng hangal. Ang katuwiran ay nagtataas sa isang bansa, ngunit ang kasalanan sa alinmang bayan ay pagkutya! Ang pagpapala ng hari ay nasa lingkod na gumagawang may katalinuhan, ngunit ang kanyang poot ay dumarating sa nagdudulot ng kahihiyan.