upang tumanggap ng turo sa matalinong pamumuhay, sa katuwiran, katarungan, at pagkakapantay-pantay, upang mabigyan ng talino ang walang muwang kaalaman at mabuting pagpapasiya sa kabataan— upang marinig din ng matalino, at lumago sa kaalaman, at magtamo ang taong may unawa ng kahusayan, upang umunawa ng kawikaan at ng pagsasalarawan, ng mga salita ng pantas, at ng kanilang mga palaisipan. Ang takot sa PANGINOON ang pasimula ng kaalaman; ang karunungan at turo ay hinahamak ng hangal. Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang aral ng iyong ina
Basahin MGA KAWIKAAN 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 1:3-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas