Gayunman ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian. At kayong mga taga-Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimula ng ebanghelyo, nang ako'y umalis sa Macedonia, wala ni isang iglesya na nakipagkaisa sa akin sa pagbibigay at pagtanggap kundi kayo lamang; sapagkat kahit ako'y nasa Tesalonica ay nagpapadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan. Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumarami para sa inyo. Ngunit mayroon ako ng lahat ng bagay at sumasagana; ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo na mabangong samyo, isang handog na kaaya-aya at kalugud-lugod sa Diyos. At pupunuan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa kanyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Ngayon, nawa'y sumaating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
Basahin FILIPOS 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: FILIPOS 4:14-20
7 Days
Lent: a 40-day season of reflection and repentance. It’s a nice thought, but what does practicing Lent actually look like? Over the next 7 days, discover five spiritual habits you can start doing during Lent to help you prepare your heart for Resurrection Sunday—and beyond.
18 Araw
Ito, "salamat" na sulat para sa mga taga-Filipos ay nagbibigay sa kanila ng isang masayang pananaw sa mga mahihirap na oras na kanilang kinasasangkutan at hinihikayat silang mapagkumbabang lampasan ang mga ito nang sama-sama. Araw-araw na paglalakbay sa Filipos habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas