Bagaman ikaw ay nagtatayo nang mataas na parang agila, bagaman inilalagay mo ang iyong pugad na kasama ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng PANGINOON. Kung ang mga magnanakaw ay pumaroon sa iyo, kung ang mga manloloob sa gabi— gaano ka winasak!— di ba sila'y magnanakaw lamang ng sapat sa kanila? Kung ang mga mamimitas ng ubas ay pumaroon sa iyo, di ba sila'y mag-iiwan ng laglag na ubas? O paanong si Esau ay nilooban, hinanap ang kanyang mga kayamanan! Lahat ng lalaking iyong kakampi ay dadalhin ka sa hangganan; ang mga kasamahan mo na kasunod mo ay dadayain ka at dadaigin ka. Ang mga kumakain ng iyong tinapay ay tatambangan ka— walang pagkaunawa sa kanya. Di ko ba lilipulin sa araw na iyon, sabi ng PANGINOON, ang mga taong pantas mula sa Edom, at ang pagkaunawa mula sa bundok ng Esau? At ang iyong mga makapangyarihang tao ay mababalisa, O Teman, upang ang bawat tao ay maalis sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng pagkatay.
Basahin OBADIAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: OBADIAS 1:4-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas