Obadias 1:4-9
Obadias 1:4-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon. Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas? Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago! Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya. Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau? At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.
Obadias 1:4-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay, o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay, hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak. “Kung sa gabi'y dumating ang magnanakaw, ang kinukuha lamang nila'y ang kanilang magustuhan. Kapag ang mga tao'y namimitas ng ubas, kahit kaunting bunga'y nagtitira sila. Ngunit ang mga kaaway mo'y walang ititira kahit isa. O lahi ni Esau, ang yaman mo'y sasamsamin; at ang lahat ng sa iyo'y kukuhanin. Nilinlang ka ng iyong mga kapanalig, itinaboy ka mula sa iyong lupain. Nasasakop ka na ngayon ng iyong mga kakampi. Ang iyong mga kaibigang noo'y kasalo, ngayo'y naglagay ng patibong para sa iyo; at kanila pang sinasabi, ‘Nasaan na ang kanyang katusuhan?’” Sinabi ni Yahweh: “Darating ang araw na paparusahan ko ang Edom, lilipulin ko ang kanyang mga matatalinong tao, at ang kaalaman nila'y aking papawiin. Mga mandirigma ng Teman ay pawang nasisindak, at ang mga kawal ng Edom ay malilipol na lahat.
Obadias 1:4-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat kahit gawin ninyong kasintaas ng lipad ng agila ang inyong tirahan at paabutin pa ninyo sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. “Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nagtitira ng ilang bunga? Pero kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway. Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng kayamanan ng mga lahi ni Esau. Lilinlangin kayo ng inyong kakamping mga bansa. Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyo ay siya ring sasalakay sa inyo, at palalayasin nila kayo sa bayan ninyo. Silang mga nakisalo sa inyo ang siya pang palihim na maglalagay ng bitag laban sa inyo. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi na sa araw ng paghatol ko sa inyo, lilipulin ko ang marurunong sa inyo. Mawawala ang karunungan sa Edom na tinatawag na Bundok ni Esau. Manginginig sa takot ang inyong mga sundalo sa lungsod ng Teman, kaya mamamatay kayong lahat na nakatira sa Bundok ni Esau.”
Obadias 1:4-9 Ang Biblia (TLAB)
Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon. Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas? Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago! Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya. Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau? At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.
Obadias 1:4-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)