MGA BILANG 34
34
Ang mga Hangganan ng Lupain
1Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, ‘Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan, na ito ang lupaing magiging inyong mana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyon,
3ang inyong lugar sa timog ay mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganan sa timog ay magiging mula sa dulo ng Dagat ng Asin sa gawing silangan.
4Ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timog sa gulod ng Acrabim, at patuloy hanggang sa Zin, at ang mga dulo niyon ay sa dakong timog ng Kadesh-barnea; at mula rito ay patungo sa Hazar-adar, at magpapatuloy sa Azmon;
5at ang hangganan ay paliko mula sa Azmon hanggang sa batis ng Ehipto, at matatapos iyon sa dagat.
6“Ang inyong magiging hangganan sa kanluran ay ang Malaking Dagat at ang baybayin niyon; ito ang magiging hangganan ninyo sa kanluran.
7Ito ang inyong magiging hangganan sa hilaga; mula sa Malaking Dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng Hor;
8mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang pasukan ng Hamat; at ang dulo ng hangganan ay sa Zedad;
9ang magiging hangganan ay hanggang sa Zifron, at ang dulo nito ay ang Hazar-enan. Ito ang magiging hangganan ninyo sa hilaga.
10Inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganan sa silangan mula sa Hazar-enan hanggang Shefam;
11ang hangganan ay pababa mula sa Shefam hanggang sa Ribla, sa dakong silangan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng Cineret sa dakong silangan.
12Ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang dulo niyon ay abot sa Dagat ng Asin. Ito ang magiging inyong lupain ayon sa mga hangganan niyon sa palibot.”
13Iniutos#Bil. 26:52-56 #Jos. 14:1-5 ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, “Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng palabunutan, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;
14sapagkat ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno ay tumanggap na, at gayundin naman ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana.
15Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay tumanggap na ng kanilang mana sa kabila ng Jordan sa dakong silangan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw.”
16At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17“Ito ang mga pangalan ng mga lalaki na magbabahagi ng lupain sa inyo bilang mana: ang paring si Eleazar at si Josue na anak ni Nun.
18Maglalagay kayo ng isang pinuno sa bawat lipi upang maghati ng lupain bilang mana.
19Ito ang mga pangalan ng mga lalaki: sa lipi ni Juda ay si Caleb na anak ni Jefone.
20Sa lipi ng mga anak ni Simeon ay si Samuel na anak ni Amihud.
21Sa lipi ni Benjamin ay si Elidad na anak ni Chislon.
22Sa lipi ng mga anak ni Dan ay ang pinunong si Buki na anak ni Jogli.
23Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases ay ang pinunong si Haniel na anak ni Efod,
24sa lipi ng mga anak ni Efraim ay ang pinunong si Chemuel na anak ni Siftan;
25sa lipi ng mga anak ni Zebulon ay ang pinunong si Elisafan na anak ni Farnac;
26sa lipi ng mga anak ni Isacar ay ang pinunong si Paltiel na anak ni Azan;
27sa lipi ng mga anak ni Aser ay ang pinunong si Ahiud na anak ni Selomi;
28at sa lipi ng mga anak ni Neftali ay ang pinunong si Pedael na anak ni Amihud.
29Ito ang mga inutusan ng Panginoon na mamahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.”
Kasalukuyang Napili:
MGA BILANG 34: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001