Dinala ni Moises ang kanilang usapin sa harap ng PANGINOON. Nagsalita ang PANGINOON kay Moises, na sinasabi, “Tama ang sinasabi ng mga anak na babae ni Zelofehad. Bigyan mo sila ng ari-arian na pinakamana mula sa mga kapatid ng kanilang ama; at iyong isasalin ang mana ng kanilang ama sa kanila. At iyong sasabihin sa mga anak ni Israel, “Kung ang isang lalaki ay mamatay at walang anak na lalaki, inyong isasalin ang kanyang mana sa kanyang anak na babae. Kung siya'y walang anak na babae, inyong ibibigay ang kanyang mana sa kanyang mga kapatid. Kung siya'y walang kapatid, inyong ibibigay ang kanyang mana sa mga kapatid ng kanyang ama.
Basahin MGA BILANG 27
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA BILANG 27:5-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas