MGA BILANG 21
21
Ang Ahas na Tanso
1Nang#Bil. 33:40 mabalitaan ng Cananeo, na hari ng Arad, na naninirahan sa Negeb, na ang Israel ay daraan sa Atarim, nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila.
2Ang Israel ay gumawa ng sumpa sa Panginoon at nagsabi, “Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, aking lubos na gigibain ang kanilang mga bayan.”
3Pinakinggan ng Panginoon ang tinig ng Israel at ibinigay sa kanila ang Cananeo. Kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan. Kaya't ang ipinangalan sa dakong iyon ay Horma.#21:3 Sa Hebreo ay pagkawasak.
4Sila'y#Deut. 2:1 naglakbay mula sa bundok ng Hor patungo sa Dagat na Pula upang umikot sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng mga tao ay nainip sa daan.
5Ang#1 Cor. 10:9 bayan ay nagsalita laban sa Diyos at laban kay Moises, “Bakit ninyo kami iniahon mula sa Ehipto, upang mamatay sa ilang? Sapagkat walang pagkain at walang tubig at ang kaluluwa namin ay nasusuya na sa walang kuwentang pagkaing ito.”
6Pagkatapos, ang Panginoon ay nagsugo ng mga makamandag#21:6 o nag-aapoy. na ahas sa mga taong-bayan, at tinuklaw ng mga ito ang mga tao, kaya't marami sa Israel ang namatay.
7Ang bayan ay pumunta kay Moises at nagsabi, “Kami ay nagkasala, sapagkat kami ay nagsalita laban sa Panginoon at laban sa iyo. Idalangin mo sa Panginoon, na kanyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.
8At sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng isang makamandag#21:8 o nag-aapoy. na ahas at ipatong mo sa isang tikin, at bawat taong nakagat ay mabubuhay kapag tumingin doon.”
9Kaya't#2 Ha. 18:4; Jn. 3:14 si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin, at kapag may nakagat ng ahas, at tumingin ang taong iyon sa ahas na tanso ay nabubuhay.
Naglakbay mula sa Obot at Nagkampo sa Bundok ng Pisga
10Ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at nagkampo sa Obot.
11Sila'y naglakbay mula sa Obot, at nagkampo sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, patungo sa dakong sinisikatan ng araw.
12Mula roon ay naglakbay sila, at nagkampo sa libis ng Zared.
13Mula roon ay naglakbay sila, at nagkampo sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na humahantong sa hangganan ng mga Amoreo; sapagkat ang Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amoreo.
14Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipaglaban ng Panginoon,
Ang Waheb sa Sufa,
at ang mga libis ng Arnon,
15at ang tagiliran ng mga libis
na hanggang sa dakong tahanan ng Ar,
at humihilig sa hangganan ng Moab.
16At mula roon ay nagpatuloy sila patungo sa Beer, na siyang balon kung saan sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang bayan at bibigyan ko sila ng tubig.”
17Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito:
“Bumukal ka, O balon; awitan ninyo siya!
18Ang balong hinukay ng mga pinuno,
na pinalalim ng mga maharlika ng bayan,
ng kanilang setro at mga tungkod.”
At mula sa ilang, sila'y nagpatuloy patungo sa Matana,
19mula sa Matana patungong Nahaliel; at mula sa Nahaliel patungong Bamot;
20mula sa Bamot patungo sa libis na nasa bukid ng Moab, sa tuktok ng Pisga, na pababa sa ilang.
Pinatay sina Sihon at Og
(Deut. 2:26–3:11)
21Pagkatapos, ang Israel ay nagpadala ng mga sugo kay Sihon, na hari ng mga Amoreo, na sinasabi,
22“Paraanin mo ako sa iyong lupain. Kami ay hindi liliko sa bukid o sa ubasan. Kami ay hindi iinom ng tubig mula sa mga balon; kami ay daraan sa Daan ng Hari hanggang sa makaraan kami sa iyong nasasakupan.”
23Ngunit hindi pinahintulutan ni Sihon ang Israel na dumaan sa kanyang nasasakupan. Tinipon ni Sihon ang kanyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating sa Jahaz, at nilabanan ang Israel.
24Pinatay siya ng Israel sa talim ng tabak, at inangkin ang kanyang lupain mula sa Arnon hanggang Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon; sapagkat ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay.
25At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito. Ang Israel ay nanirahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amoreo, sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyon.
26Sapagkat ang Hesbon ay siyang bayan ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyon sa kanyang kamay hanggang sa Arnon.
27Kaya't ang mga nagsasalita ng mga kawikaan ay nagsasabi,
“Halina kayo sa Hesbon,
itayo at itatag ang lunsod ni Sihon.
28Sapagkat#Jer. 48:45, 46 may isang apoy na lumabas sa Hesbon,
isang liyab mula sa bayan ni Sihon.
Tinupok nito ang Ar ng Moab,
at winasak#21:28 Sa ibang mga kasulatan ay ang mga panginoon. ang matataas na dako ng Arnon.
29Kahabag-habag ka, Moab!
Ikaw ay napahamak, O bayan ni Cemos!
Hinayaan niyang maging takas ang kanyang mga anak na lalaki,
at ipinabihag ang kanyang mga anak na babae,
kay Sihon na hari ng mga Amoreo.
30Aming pinana sila. Ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon,
at aming winasak hanggang Nofa, na umaabot hanggang Medeba.
31Kaya't nanirahan ang Israel sa lupain ng mga Amoreo.
32Si Moises ay nagsugo upang tiktikan ang Jazer, at kanilang sinakop ang mga bayan niyon at pinalayas nila ang mga Amoreo na naroroon.
33Sila'y lumiko at umahon sa daan ng Basan. Si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila, siya at ang buong bayan niya, upang makipaglaban sa Edrei.
34Ngunit sinabi ng Panginoon kay Moises, “Huwag mo siyang katakutan, sapagkat ibinigay ko siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kanyang lupain, at iyong gagawin sa kanya ang gaya ng iyong ginawa kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naninirahan sa Hesbon.”
35Gayon nila pinatay siya at ang kanyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kanya, at kanilang inangkin ang kanyang lupain.
Kasalukuyang Napili:
MGA BILANG 21: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001