Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA BILANG 21:4-9

MGA BILANG 21:4-9 ABTAG01

Sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor patungo sa Dagat na Pula upang umikot sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng mga tao ay nainip sa daan. Ang bayan ay nagsalita laban sa Diyos at laban kay Moises, “Bakit ninyo kami iniahon mula sa Ehipto, upang mamatay sa ilang? Sapagkat walang pagkain at walang tubig at ang kaluluwa namin ay nasusuya na sa walang kuwentang pagkaing ito.” Pagkatapos, ang PANGINOON ay nagsugo ng mga makamandag na ahas sa mga taong-bayan, at tinuklaw ng mga ito ang mga tao, kaya't marami sa Israel ang namatay. Ang bayan ay pumunta kay Moises at nagsabi, “Kami ay nagkasala, sapagkat kami ay nagsalita laban sa PANGINOON at laban sa iyo. Idalangin mo sa PANGINOON, na kanyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan. At sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Gumawa ka ng isang makamandag na ahas at ipatong mo sa isang tikin, at bawat taong nakagat ay mabubuhay kapag tumingin doon.” Kaya't si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin, at kapag may nakagat ng ahas, at tumingin ang taong iyon sa ahas na tanso ay nabubuhay.