Ang bayan ay nagreklamo sa pandinig ng PANGINOON, at nang marinig ito ng PANGINOON ay nagningas ang kanyang galit, at ang apoy ng PANGINOON ay nagningas laban sa kanila, at tinupok ang gilid ng kampo. Ngunit ang bayan ay nagmakaawa kay Moises; at si Moises ay nanalangin sa PANGINOON at ang apoy ay namatay. Kaya't ang pangalan ng dakong iyon ay tinawag na Tabera, sapagkat ang apoy ng PANGINOON ay nagningas laban sa kanila. At ang nagkakagulong mga tao na nasa gitna nila ay nagkaroon ng matinding pananabik at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi, “Sana'y mayroon tayong karneng makakain! Ating naaalala ang isda na ating kinakain na walang bayad sa Ehipto; ang mga pipino, mga milon, mga puero, mga sibuyas, at bawang.
Basahin MGA BILANG 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA BILANG 11:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas