Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 6:30-34

MARCOS 6:30-34 ABTAG01

Ang mga apostol ay nagtipon sa harap ni Jesus at ibinalita nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. At sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo ng bukod sa isang dakong ilang at magpahinga kayo nang sandali.” Sapagkat marami ang nagpaparoo't parito at sila'y hindi man lamang nagkaroon ng panahong kumain. Umalis nga silang bukod, sakay ng isang bangka patungo sa isang dakong ilang. Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at sila'y nakilala. Kaya't tumakbo sila mula sa lahat ng mga bayan at nauna pang dumating sa kanila. Pagbaba niya sa pampang nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila, sapagkat sila'y tulad sa mga tupa na walang pastol. At sila'y sinimulan niyang turuan ng maraming bagay.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MARCOS 6:30-34