Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 3:1-6

MARCOS 3:1-6 ABTAG01

Muli siyang pumasok sa sinagoga at doo'y may isang lalaking paralisado ang isang kamay. Kanilang minamatyagan si Jesus kung kanyang pagagalingin ang lalaki sa araw ng Sabbath upang siya'y maparatangan nila. Sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Lumapit ka.” At sinabi niya sa kanila, “Ipinahihintulot ba na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath, o ang gumawa ng masama, magligtas ng buhay, o pumuksa nito?” Ngunit sila'y tahimik. Sila'y tiningnan niya ng may galit. Nalulungkot siya sa katigasan ng kanilang puso at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat niya ito at nanumbalik sa dati ang kanyang kamay. Lumabas ang mga Fariseo at agad nakipagsanggunian sa mga Herodiano laban sa kanya kung paanong siya'y mapupuksa nila.