si Jose na taga-Arimatea, isang marangal na kagawad, na naghihintay rin ng kaharian ng Diyos ay may katapangang pumunta kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. At nagtaka si Pilato na siya'y patay na. Ipinatawag niya ang senturion at itinanong niya sa kanya kung patay na nga siya. Nang malaman niya sa senturion, ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose. At bumili si Jose ng isang telang lino at pagkababa sa kanya sa krus ay binalot siya ng telang lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato. At iginulong niya ang isang bato sa pintuan ng libingan. Nakita ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya inilagay.
Basahin MARCOS 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MARCOS 15:43-47
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas