Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 10:13-16

MARCOS 10:13-16 ABTAG01

At dinadala ng mga tao sa kanya ang maliliit na bata upang sila'y kanyang hipuin, ngunit sinaway sila ng mga alagad. Ngunit nang ito'y makita ni Jesus, nagalit siya at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata. Huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Diyos. Tunay na sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tumanggap sa kaharian ng Diyos na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi makakapasok doon.” At kinalong niya sila, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.