Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 1:40-45

MARCOS 1:40-45 ABTAG01

Lumapit sa kanya ang isang ketongin na nakikiusap at nakaluhod na nagsasabi, “Kung gusto mo, maaari mo akong linisin.” Dahil sa awa, iniunat ni Jesus ang kanyang kamay, hinipo ang ketongin at sinabi sa kanya, “Gusto ko, maging malinis ka.” At kaagad na nawala ang kanyang ketong at siya'y naging malinis. Pagkatapos na mahigpit siyang binalaan, kaagad niya itong pinaalis. Sinabi niya sa kanya, “Tiyakin mong wala kang sasabihin kaninuman kundi pumunta ka at magpakita sa pari at maghandog ka para sa pagkalinis sa iyo ayon sa ipinag-utos ni Moises bilang isang patotoo sa kanila.” Ngunit siya'y umalis at nagsimulang magsalita nang malaya tungkol dito at ikinalat ang balita, kaya't hindi na hayagang makapasok si Jesus sa bayan, kundi nanatili siya sa mga ilang na lugar at pinuntahan siya ng mga tao mula sa lahat ng panig.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MARCOS 1:40-45

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya