Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 1:29-38

MARCOS 1:29-38 ABTAG01

Pagkalabas sa sinagoga, pumasok sila sa bahay ni Simon at ni Andres, kasama sina Santiago at Juan. At ang biyenang babae ni Simon ay nakahiga na nilalagnat at agad nilang sinabi kay Jesus ang tungkol sa kanya. Lumapit siya at hinawakan ang babae sa kamay at siya'y ibinangon. Nawala ang kanyang lagnat at siya'y naglingkod sa kanila. Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, kanilang dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit at ang mga inaalihan ng mga demonyo. Ang buong lunsod ay nagkatipon sa may pintuan. At nagpagaling siya ng maraming iba't ibang may karamdaman at nagpalayas siya ng maraming demonyo. Hindi niya pinahintulutang magsalita ang mga demonyo, sapagkat siya'y kilala nila. Nang madaling-araw, habang madilim pa, pagbangon ni Jesus ay lumabas siya at nagtungo sa isang ilang na lugar, at doon ay nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng mga kasamahan niya. Siya'y natagpuan nila, at sinabi sa kanya, “Hinahanap ka ng lahat.” Sinabi niya sa kanila, “Pumunta tayo sa iba pang mga karatig-bayan upang ako'y makapangaral din naman doon, sapagkat dahil dito ako'y naparito.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MARCOS 1:29-38

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya