Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 1:16-20

MARCOS 1:16-20 ABTAG01

Sa pagdaan ni Jesus sa tabi ng dagat ng Galilea, nakita niya sina Simon at ang kanyang kapatid na si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat, sapagkat sila'y mga mangingisda. At sinabi sa kanila ni Jesus, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. Nang makalakad pa siya ng kaunti, nakita niya sina Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kanyang kapatid na naghahayuma ng mga lambat sa kanilang bangka. Agad niyang tinawag sila at iniwan nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na kasama ng mga upahang tauhan at sumunod sa kanya.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MARCOS 1:16-20