Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MIKAS 7:8-13

MIKAS 7:8-13 ABTAG01

Huwag kang magalak laban sa akin, O aking kaaway; kapag ako'y nabuwal, ako'y babangon; kapag ako'y naupo sa kadiliman, ang PANGINOON ay magiging aking ilaw. Aking papasanin ang galit ng PANGINOON, sapagkat ako'y nagkasala laban sa kanya, hanggang sa kanyang ipagsanggalang ang aking usapin, at lapatan ako ng hatol. Kanyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kanyang pagliligtas. Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kanya na nagsabi sa akin, “Nasaan ang PANGINOON mong Diyos?” Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kanya; siya'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan. Isang araw para sa pagtatayo ng iyong mga kuta! Sa araw na iyon ay palalawakin ang iyong hangganan. Sa araw na iyon ay pupunta sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga lunsod ng Ehipto, at mula sa Ehipto hanggang sa Ilog, at mula sa dagat hanggang sa dagat, at mula sa bundok hanggang sa bundok. Ngunit masisira ang lupa dahil sa kanila na naninirahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MIKAS 7:8-13