Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MIKAS 7:14-20

MIKAS 7:14-20 ABTAG01

Pastulin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, ang kawan na iyong mana, na mag-isang naninirahan sa gubat sa gitna ng mabungang lupain; pakainin mo sila sa Basan at sa Gilead, gaya ng mga araw noong una. Gaya ng mga araw nang ikaw ay lumabas sa lupain ng Ehipto ay pagpapakitaan ko sila ng mga kagila-gilalas na bagay. Makikita ng mga bansa at mapapahiya sa lahat nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga tainga ay mabibingi. Hihimurin nila ang alabok na parang ahas; gaya ng gumagapang na mga hayop sa lupa; sila'y lalabas na nanginginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y lalapit na may takot sa PANGINOON nating Diyos at sila'y matatakot dahil sa iyo. Sino ang Diyos na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalampas ang pagsuway ng nalabi sa kanyang mana? Hindi niya pinananatili ang kanyang galit magpakailanman, sapagkat siya'y nalulugod sa tapat na pag-ibig. Siya'y muling mahahabag sa atin; kanyang tatapakan ang ating kasamaan. Kanyang ihahagis ang lahat nating kasalanan sa mga kalaliman ng dagat. Igawad mo ang katotohanan kay Jacob, at tapat na pag-ibig kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga ninuno mula pa nang unang panahon.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MIKAS 7:14-20