Kahabag-habag ako! Sapagkat ako'y naging gaya nang tipunin ang mga bunga sa tag-init, gaya nang pulutin ang ubas sa ubasan, walang kumpol na makakain walang unang hinog na bunga ng igos na aking kinasabikan. Ang mabuting tao ay namatay sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao; silang lahat ay nag-aabang upang magpadanak ng dugo; hinuhuli ng bawat isa ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng lambat. Ang kanilang mga kamay ay nasa kasamaan upang sikaping isagawa; ang pinuno at ang hukom ay humihingi ng suhol; at ang dakilang tao ay nagsasalita ng masamang pagnanasa ng kanyang kaluluwa, ganito nila ito pinagtatagni-tagni. Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid sa kanila ay gaya ng bakod na tinikan. Ang araw ng kanilang mga bantay, ang araw ng kanilang kaparusahan ay dumating; ngayo'y dumating na ang kanilang pagkalito. Huwag kayong magtitiwala sa kapitbahay; huwag kayong magtiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pintuan ng iyong bibig sa kanya na humihiga sa iyong sinapupunan
Basahin MIKAS 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MIKAS 7:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas