Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MIKAS 6

6
Ang Usapin ng Panginoon Laban sa Israel
1Pakinggan ninyo ngayon ang sinasabi ng Panginoon:
Bumangon ka, ipaglaban mo ang iyong usapin sa harapan ng mga bundok,
at hayaang marinig ng mga burol ang iyong tinig.
2Pakinggan ninyo, kayong mga bundok, ang usapin ng Panginoon,
at kayong matitibay na pundasyon ng lupa;
sapagkat ang Panginoon ay may usapin laban sa kanyang bayan,
at siya'y makikipagtalo sa Israel.
3“O bayan ko, anong ginawa ko sa iyo?
Sa ano kita pinagod? Sagutin mo ako!
4Sapagkat#Exo. 12:50, 51; Exo. 4:10-16; Exo. 15:20 ikaw ay aking iniahon mula sa lupain ng Ehipto,
at tinubos kita mula sa bahay ng pagkaalipin;
at aking sinugo sa unahan mo sina Moises, Aaron, at Miriam.
5O#Bil. 22:2–24:25; Jos. 3:1–4:19 bayan ko, alalahanin mo kung ano ang isinasagawa ni Balak na hari ng Moab,
at kung ano ang isinagot sa kanya ni Balaam na anak ni Beor;
at kung ano ang nangyari mula sa Shittim hanggang sa Gilgal,
upang iyong malaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.”
Ang Itinatakda ng Panginoon
6“Ano ang aking ilalapit sa harapan ng Panginoon,
at iyuyukod sa harap ng Diyos sa kaitaasan?
Lalapit ba ako sa harapan niya na may mga handog na sinusunog,
na may guyang isang taon ang gulang?
7Nalulugod ba ang Panginoon sa mga libu-libong tupa,
o sa mga sampung libong ilog ng langis?
Ibibigay ko ba ang aking panganay dahil sa aking pagsuway,
ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?”
8Ipinakita niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti.
At ano ang itinatakda ng Panginoon sa iyo,
kundi ang gumawa na may katarungan, at umibig sa kaawaan,
at lumakad na may kapakumbabaan na kasama ng iyong Diyos?
9Ang tinig ng Panginoon ay sumisigaw sa lunsod
isang mainam na karunungan ang matakot sa iyong pangalan:
“Pakinggan ninyo, O lipi at ang pagtitipon ng bayan!
10Mayroon pa kayang mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama,
at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam?
11Pawawalang-sala ko ba ang taong may masamang timbangan
at may isang supot ng mapandayang panimbang?
12Sapagkat ang mayayamang tao ng lunsod ay punô ng karahasan;
ang kanyang mga mamamayan ay nagsasalita ng mga kabulaanan,
at ang kanilang dila ay mandaraya sa kanilang bibig.
13Kaya't pinasimulan kitang saktan,
ginawa kitang wasak dahil sa iyong mga kasalanan.
14Ikaw ay kakain, ngunit hindi ka mabubusog;
at iyong karumihan ay mapapasa gitna mo;
ikaw ay magtatabi, ngunit hindi makakapag-ipon;
at ang iyong inipon ay aking ibibigay sa tabak.
15Ikaw ay maghahasik, ngunit hindi ka mag-aani:
ikaw ay magpipisa ng mga olibo, ngunit hindi ka magpapahid ng langis sa iyong sarili;
ikaw ay magpipisa ng ubas, ngunit hindi ka iinom ng alak.
16Sapagkat#1 Ha. 16:23-28; 1 Ha. 16:29-34; 21:25, 26 iningatan ang mga tuntunin ni Omri,
at ang lahat ng mga gawa ng sambahayan ni Ahab,
at kayo'y nagsisilakad sa kanilang mga payo;
upang gawin kitang wasak, at ang iyong mamamaya'y hahamakin,
at inyong papasanin ang pagkutya ng aking bayan.”

Kasalukuyang Napili:

MIKAS 6: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in