Ngunit ikaw, Bethlehem sa Efrata, na maliit upang mapabilang sa mga angkan ng Juda, mula sa iyo ay lalabas para sa akin ang isa na magiging pinuno sa Israel; na ang pinagmulan ay mula nang una, mula nang walang hanggan. Kaya't kanyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak; kung magkagayon ang nalabi sa kanyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel. At siya'y titindig at pakakainin ang kanyang kawan sa lakas ng PANGINOON, sa kamahalan ng pangalan ng PANGINOON niyang Diyos. At sila'y mananatili, sapagkat sa panahong iyon siya'y magiging dakila hanggang sa mga dulo ng lupa. At ang isang ito ay magiging kapayapaan. Kapag ang taga-Asiria ay sumalakay sa ating lupain, at kapag tinapakan niya ang ating mga muog, kung gayon tayo ay maglalagay laban sa kanya ng pitong pastol, at walong pinuno ng mga tao.
Basahin MIKAS 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MIKAS 5:2-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas