Sa araw na iyon, sabi ng PANGINOON, titipunin ko ang pilay, at titipunin ko ang mga itinapon, at ang aking mga pinahirapan. Ang pilay ay gagawin kong nalabi, at ang mga itinapon ay isang malakas na bansa; at ang PANGINOON ay maghahari sa kanila sa bundok ng Zion mula ngayon hanggang sa walang hanggan. At ikaw, O tore ng kawan, na burol ng anak na babae ng Zion, ito sa iyo'y darating, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem. Ngayo'y bakit ka sumisigaw nang malakas? Wala ka bang hari? Ang iyo bang tagapayo ay namatay, upang ang mga paghihirap ay sumaiyo na gaya ng babaing manganganak? Mamilipit ka at dumaing, O anak na babae ng Zion, na gaya ng babaing manganganak; sapagkat ngayo'y lalabas ka sa lunsod, at maninirahan sa parang, at ikaw ay pupunta sa Babilonia. Ililigtas ka roon, doo'y tutubusin ka ng PANGINOON sa kamay ng iyong mga kaaway. At ngayo'y maraming bansa ang magtitipon laban sa iyo, na nagsasabi, “Hayaan siyang malapastangan, ituon natin ang ating mata sa Zion.” Ngunit hindi nila alam ang mga pag-iisip ng PANGINOON, hindi nila nauunawaan ang kanyang panukala, sapagkat kanyang tinipon sila na parang mga bigkis sa giikan. Bumangon ka at gumiik, O anak na babae ng Zion; sapagkat aking gagawing bakal ang iyong sungay, at tanso ang iyong mga kuko; at iyong dudurugin ang maraming bayan, upang iyong italaga sa PANGINOON ang kanilang pakinabang, at ang kanilang kayamanan ay sa Panginoon ng buong lupa.
Basahin MIKAS 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MIKAS 4:6-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas