At nangyari sa mga huling araw, ang bundok ng bahay ng PANGINOON ay itatatag bilang pinakamataas sa mga bundok, at itataas sa mga burol; at ang mga tao'y magpupuntahan doon, at maraming bansa ang darating at magsasabi, “Halikayo, tayo'y umahon patungo sa bundok ng PANGINOON, at sa bahay ng Diyos ni Jacob; upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan, at tayo'y makalakad sa kanyang mga landas.” Sapagkat mula sa Zion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng PANGINOON mula sa Jerusalem. Siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at magpapasiya para sa malalakas na bansa sa malayo; at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magsasanay para sa pakikidigma. Kundi bawat isa'y uupo sa ilalim ng kanyang punong ubas at sa ilalim ng kanyang punong igos; at walang tatakot sa kanila; sapagkat sinalita ng bibig ng PANGINOON ng mga hukbo. Sapagkat ang lahat ng bayan ay lalakad bawat isa sa pangalan ng kanya-kanyang diyos, ngunit tayo'y lalakad sa pangalan ng PANGINOON nating Diyos magpakailanpaman.
Basahin MIKAS 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MIKAS 4:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas