Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MIKAS 2:6-11

MIKAS 2:6-11 ABTAG01

“Huwag kayong mangaral”—ganito sila nangangaral— “walang dapat mangaral ng gayong mga bagay; hindi tayo aabutan ng kahihiyan.” Ito ba ay dapat sabihin, O sambahayan ni Jacob, Ang pagtitiis ba ng PANGINOON ay ubos na? Ang mga ito ba ang kanyang mga gawa? Di ba ang aking mga salita ay gumagawa ng mabuti sa lumalakad nang matuwid? Kamakailan ang aking bayan ay bumangon na gaya ng isang kaaway: inyong hinubaran ng kasuotan ang mga walang malay na nagdaraan, na galing sa digmaan. Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang masasayang bahay; mula sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailanman. Bumangon kayo at humayo, sapagkat hindi ito lugar na pahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa pamamagitan ng malubhang pagkawasak. Kung ang isang tao ay lumalakad at nagsasalita ng hangin at kasinungalingan, na nagsasabi, “Ako'y mangangaral sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin.” Siya ang magiging tagapagsalita para sa bayang ito!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MIKAS 2:6-11

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya