Kahabag-habag sila na nagbabalak ng kasamaan, at gumagawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! Kapag dumating ang umaga, ay ginagawa nila ito, sapagkat ito'y nasa kapangyarihan ng kanilang kamay. Sila'y nag-iimbot ng mga bukid, at kanilang kinakamkam; at ng mga bahay at kanilang kinukuha; at kanilang inaapi ang isang tao at ang kanyang sambahayan, ang tao at ang kanyang mana. Kaya't ganito ang sabi ng PANGINOON: Laban sa angkang ito ay nagbabalak ako ng kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man na may kahambugan; sapagkat iyon ay magiging isang masamang panahon. Sa araw na iyon ay aawit ako nang pagtuya laban sa inyo, at mananaghoy ng mapait na panaghoy, at sasabihin, “Kami ay lubos na nasira; kanyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! Kanyang binabahagi ang aming mga bukid sa mga bumihag sa amin.” Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng pisi sa pamamagitan ng palabunutan sa kapulungan ng PANGINOON.
Basahin MIKAS 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MIKAS 2:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas