Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MIKAS 1

1
Panaghoy para sa Samaria at Jerusalem
1Ang#2 Ha. 15:32-38; 2 Cro. 27:1-7; 2 Ha. 16:1-20; 2 Cro. 28:1-27; 2 Ha. 18:1–20:21; 2 Cro. 29:1–32:33 salita ng Panginoon na dumating kay Mikas na Morastita, sa mga araw nina Jotam, Ahaz, at Hezekias, na mga hari ng Juda, na nakita niya tungkol sa Samaria at Jerusalem.
2Pakinggan ninyo, kayong mga taong-bayan, kayong lahat,
pakinggan mo, O lupa, at ng lahat ng naroon;
at ang Panginoong Diyos ay maging saksi nawa laban sa inyo,
ang Panginoon mula sa kanyang banal na templo.
3Sapagkat narito, ang Panginoon ay dumarating mula sa kanyang dako,
at siya'y bababa at lalakad sa matataas na dako ng lupa.
4At ang mga bundok ay matutunaw sa ilalim niya,
at ang mga libis ay mabibiyak,
na parang pagkit na malapit sa apoy,
parang tubig na ibinuhos mula sa isang mataas na lugar.
5Lahat ng ito'y dahil sa pagsuway ng Jacob,
at dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ni Israel.
Ano ang pagsuway ng Jacob?
Hindi ba ang Samaria?
At ano ang kasalanan ng sambahayan ng Juda?
Hindi ba ang Jerusalem?
6Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang,
isang lugar upang taniman ng ubasan;
at aking ibubuhos ang kanyang mga bato sa libis,
at aking ililitaw ang kanyang mga pundasyon.
7Lahat ng kanyang larawang inanyuan ay dudurugin,
ang lahat ng kanyang mga upa ay susunugin,
at ang lahat ng kanyang diyus-diyosan ay aking sisirain;
sapagkat kung paanong tinipon niya ang mga upa ng isang masamang babae
ay muling gagamitin ang mga upa ng masamang babae.
8Dahil dito tataghoy ako at tatangis,
ako'y aalis na nakayapak at hubad;
ako'y uungol na parang asong-gubat
at tatangis na gaya ng mga buwitre.
9Sapagkat ang kanyang mga sugat ay walang lunas;
at ito'y dumating sa Juda;
ito'y umabot hanggang sa pintuan ng aking bayan,
hanggang sa Jerusalem.
Ang Kaaway ay Papalapit sa Jerusalem
10Huwag ninyo itong sabihin sa Gat,
huwag kayong tumangis,
sa Bethle-Aphra
ay gumulong kayo sa alabok.
11Dumaan ka,
O mamamayan ng Saphir,
sa kahubaran at kahihiyan;
ang mamamayan ng Zaanan
ay hindi lumalabas;
ang taghoy ng Bet-esel
ay mag-aalis sa iyo ng kanyang dakong kinatatayuan.
12Sapagkat ang mga mamamayan ng Maroth
ay balisang naghihintay ng mabuti,
sapagkat ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon
hanggang sa pintuan ng Jerusalem.
13Isingkaw mo ang kabayo sa karwahe,
mga mamamayan ng Lakish;
kayo ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Zion:
sapagkat sa iyo ay natagpuan ang pagsuway ng Israel.
14Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob ng pamamaalam
sa Moreshet-gat;
ang mga bahay sa Achzib ay magiging mapandayang bagay
sa mga hari ng Israel.
15Muli akong magdadala sa iyo ng mananakop,
O naninirahan sa Maresha,
ang kaluwalhatian ng Israel
ay darating sa Adullam.
16Magpakalbo ka, at pagupit ka
para sa mga anak ng iyong kaluguran;
magpakalbo kang gaya ng agila;
sapagkat sila'y patungo sa pagkabihag mula sa iyo.

Kasalukuyang Napili:

MIKAS 1: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in