Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 6:9-13

MATEO 6:9-13 ABTAG01

Manalangin nga kayo nang ganito: Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Masunod nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupa. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama.