Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 4:3-8

MATEO 4:3-8 ABTAG01

Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, ipag-utos mo na ang mga batong ito ay maging tinapay.” Ngunit siya'y sumagot, “Nasusulat, ‘Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.’” Pagkatapos ay dinala siya ng diyablo sa banal na lunsod at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Siya'y mag-uutos sa kanyang mga anghel tungkol sa iyo,’ at ‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, baka masaktan ang iyong paa sa isang bato.’” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’” Muli, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan, at ang karangyaan ng mga ito.

Video para sa MATEO 4:3-8