Nang mabalitaan ni Jesus na dinakip si Juan, pumunta siya sa Galilea. Nang iwan niya ang Nazaret, siya ay pumunta at tumira sa Capernaum, na nasa tabing-dagat, na sakop ng Zebulon at Neftali, upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Ang lupain ni Zebulon at ang lupain ni Neftali, patungo sa dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil— Ang bayang nakaupo sa kadiliman, ay nakakita ng dakilang ilaw, at sa mga nakaupo sa lupain at lilim ng kamatayan, ang liwanag ay sumilay.” Mula noon si Jesus ay nagpasimulang mangaral na nagsasabi, “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”
Basahin MATEO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MATEO 4:12-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas