Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 28:1-6

MATEO 28:1-6 ABTAG01

Pagkatapos ng Sabbath, sa pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumaroon upang tingnan ang libingan. At biglang nagkaroon ng malakas na lindol, sapagkat bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, na naparoon at iginulong ang bato, at umupo sa ibabaw nito. Ang kanyang anyo ay tulad sa kidlat at ang kanyang pananamit ay maputing parang busilak. At sa takot sa kanya, nanginig ang mga bantay, at naging tulad sa mga patay. Ngunit sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot, sapagkat nalalaman kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala siya rito, sapagkat siya'y binuhay, tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang dakong hinigaan niya.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MATEO 28:1-6