Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 27:45-50

MATEO 27:45-50 ABTAG01

Mula nang oras na ikaanim ay nagdilim sa buong lupain hanggang sa oras na ikasiyam. At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng may malakas na tinig, na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabacthani?” na ang kahulugan ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” At nang marinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon ay sinabi nila, “Tinatawag ng taong ito si Elias.” Tumakbo kaagad ang isa sa kanila at kumuha ng isang espongha, pinuno ito ng suka, inilagay sa isang tambo, at ibinigay sa kanya upang inumin. Ngunit sinabi ng iba, “Pabayaan ninyo siya, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya.” At muling sumigaw si Jesus ng may malakas na tinig at nalagot ang kanyang hininga.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya