Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 27:1-4

MATEO 27:1-4 ABTAG01

Kinaumagahan, ang lahat ng mga punong pari at ang matatanda sa bayan ay sama-samang nag-usap laban kay Jesus upang siya'y ipapatay. Siya'y ginapos nila, dinala sa labas, at ibinigay nila kay Pilato na gobernador. At si Judas na nagkanulo kay Jesus, nang nakitang hinatulan na ito, ay nagsisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at sa matatanda, na sinasabi, “Ako'y nagkasala sa pagkakanulo ko sa dugong walang sala.” Ngunit sinabi nila, “Ano iyon sa amin? Ikaw ang bahala diyan.”