Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 23:25-28

MATEO 23:25-28 ABTAG01

“Kahabag-habag kayo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nililinis ninyo ang labas ng kopa at ng pinggan, ngunit sa loob ay punô sila ng kasakiman at kalayawan. Ikaw na bulag na Fariseo! Linisin mo muna ang loob ng kopa at ng pinggan, upang luminis din naman ang labas nito. “Kahabag-habag kayo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat tulad kayo sa mga pinaputing libingan na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay punô ng mga buto ng mga patay at ng lahat ng uri ng karumihan. Gayundin naman kayo, na sa labas ay mistulang matuwid sa mga tao, ngunit sa loob ay punô kayo ng pagkukunwari at kasamaan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MATEO 23:25-28