Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 20:29-34

MATEO 20:29-34 ABTAG01

Nang sila'y papalabas na sa Jerico, sumunod sa kanya ang napakaraming tao. May dalawang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng lansangan. Nang marinig nilang nagdaraan si Jesus, sila'y sumigaw na nagsasabi, “Mahabag ka sa amin, Anak ni David!” Ngunit sinaway sila ng maraming tao upang sila'y tumahimik, ngunit lalo silang nagsisigaw na nagsasabi, “Mahabag ka sa amin Panginoon, Anak ni David!” Tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, “Anong nais ninyong gawin ko sa inyo?” Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, mabuksan nawa ang mga mata namin.” Dahil sa habag ay hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata. Kaagad, nakakita silang muli at sila'y sumunod sa kanya.