Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 2:16-20

MATEO 2:16-20 ABTAG01

Nang malaman ni Herodes na siya'y dinaya ng mga Pantas, siya ay labis na nagalit. At ipinag-utos niyang patayin ang lahat ng mga batang lalaki sa Bethlehem at sa karatig-pook na may gulang na dalawang taon pababa, ayon sa panahon na kanyang tiniyak mula sa mga Pantas. Kaya't natupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Jeremias: “Isang tinig ang narinig sa Rama, pananangis at malakas na panaghoy, tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak; ayaw niyang paaliw, sapagkat wala na sila.” Ngunit pagkamatay ni Herodes, ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa panaginip kay Jose sa Ehipto, na nagsasabi, “Bumangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kanyang ina, at pumunta kayo sa lupain ng Israel, sapagkat patay na ang mga naghahangad sa buhay ng sanggol.”

Video para sa MATEO 2:16-20