Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 16:13-17

MATEO 16:13-17 ABTAG01

Nang dumating si Jesus sa nasasakupan ng Cesarea Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, na sinasabi, “Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?” At sinabi nila, “Ang sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo, ang iba ay si Elias; at ang iba ay si Jeremias, o isa sa mga propeta.” Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat hindi laman at dugo ang nagpahayag nito sa iyo kundi ang aking Ama na nasa langit.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MATEO 16:13-17