At sinabi niya, “Pati ba naman kayo'y wala pa ring pang-unawa? Hindi pa ba ninyo nalalaman na ang anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi? Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso at siyang nagpaparumi sa tao. Sapagkat nagmumula sa puso ang masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paglapastangan. Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa tao; ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng mga kamay ay hindi nagpaparumi sa tao.”
Basahin MATEO 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MATEO 15:16-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas