Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 12:3-7

MATEO 12:3-7 ABTAG01

Subalit sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasamahan niya; kung paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kumain siya ng tinapay na handog, na hindi ipinahihintulot na kainin niya o ng mga kasamahan niya, kundi ng mga pari lamang? O hindi ba ninyo nabasa sa kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabbath ay winalang-galang ng mga pari sa templo ang Sabbath, at hindi sila nagkasala? Ngunit sinasabi ko sa inyo, isang higit na dakila kaysa templo ang narito. Ngunit kung nalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MATEO 12:3-7