Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 11

11
Ang mga Sinugo ni Juan na Tagapagbautismo
(Lu. 7:18-35)
1Nang matapos pagbilinan ni Jesus ang kanyang labindalawang alagad, umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila.
2Nang marinig ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ng Cristo, nagpasabi siya sa pamamagitan ng kanyang mga alagad,
3at sinabi sa kanya, “Ikaw ba iyong darating o maghihintay kami ng iba?”
4Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Humayo kayo at sabihin ninyo kay Juan ang inyong naririnig at nakikita:
5Ang#Isa. 35:5, 6; Isa. 61:1 mga bulag ay nakakakita, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakakarinig, at ang mga patay ay muling binubuhay at ipinangangaral sa mga dukha ang magandang balita.
6Mapalad ang sinumang hindi natitisod sa akin.”
7Habang papaalis na ang mga ito, nagpasimulang magsalita si Jesus sa maraming tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa ilang upang makita? Isa bang tambo na inuuga ng hangin?
8Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang taong nakasuot ng malalambot na damit? Tingnan ninyo, ang mga nagsusuot ng malambot na damit ay nasa mga bahay ng mga hari.
9Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa kaysa isang propeta.
10Ito#Mal. 3:1 yaong tungkol sa kanya ay nasusulat,
‘Narito, ipinapadala ko ang aking sugo na nauuna sa iyo,
na maghahanda ng iyong daan sa harapan mo.’
11Katotohanang sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae ay wala pang lumitaw ni isa na higit na dakila kaysa kay Juan na Tagapagbautismo; gayunman, ang pinakamaliit sa kaharian ng langit ay higit na dakila kaysa kanya.
12Mula#Lu. 16:16 sa mga araw ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok at sinasakop ng mga taong mararahas.
13Sapagkat ang lahat ng mga propeta at ang kautusan ay nagpropesiya hanggang kay Juan;
14at#Mal. 4:5; Mt. 17:10-13; Mc. 9:11-13 kung ibig ninyong tanggapin, siya si Elias na darating.
15Ang may pandinig ay makinig.
16“Ngunit sa ano ko ihahambing ang lahing ito? Ito ay tulad sa mga batang nakaupo sa mga pamilihan na tumatawag sa kanilang mga kasama,
17na sinasabi, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw; tumangis kami, ngunit hindi kayo nahapis.’
18Sapagkat dumating si Juan na hindi kumakain o umiinom at sinasabi nila, ‘Mayroon siyang demonyo.’
19Dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, ‘Tingnan ninyo, ang isang taong matakaw at isang maglalasing, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’ Ngunit ang karunungan ay pinapagtibay ng kanyang mga gawa.”#11:19 Sa ibang mga kasulatan ay mga anak (ihambing sa Lucas 7:35).
Babala sa mga Lunsod na Di-nagsisi
(Lu. 10:13-15)
20Kaya't pinasimulan niyang sumbatan ang mga lunsod na ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga makapangyarihang gawa sapagkat hindi sila nagsisi.
21“Kahabag-habag#Isa. 23:1-18; Ez. 26:1–28:26; Joel 3:4-8; Amos 1:9, 10; Zac. 9:2-4 ka, Corazin! Kahabag-habag ka, Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagsisi na may damit-sako at abo.
22Ngunit sinasabi ko sa inyo, higit pang mapagtitiisan sa araw ng paghuhukom ang Tiro at Sidon kaysa inyo.
23At#Isa. 14:13-15; Gen. 19:24-28 ikaw, Capernaum, itataas ka ba hanggang sa langit? Ibababa ka hanggang sa Hades. Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nanatili sana iyon hanggang sa araw na ito.
24Ngunit#Mt. 10:15; Lu. 10:12 sinasabi ko sa inyo, higit pang mapapagtiisan sa araw ng paghuhukom ang lupain ng Sodoma kaysa inyo.”
Ang Dakilang Paanyaya
(Lu. 10:21, 22)
25Nang oras na iyon ay sinabi ni Jesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol;
26oo, Ama, sapagkat gayon ang mapagpala mong kalooban.#11:26 o sapagkat iyon ang kalugud-lugod sa iyong paningin.
27Ang#Jn. 3:35; Jn. 1:18; 10:15 lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya.
28Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
29Pasanin#Jer. 6:16 ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
30Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.”

Kasalukuyang Napili:

MATEO 11: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in