Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MALAKIAS 3:6-12

MALAKIAS 3:6-12 ABTAG01

“Sapagkat akong PANGINOON ay hindi nagbabago, kaya't kayo, O mga anak ni Jacob ay hindi napapahamak. Mula sa mga araw ng inyong mga ninuno, kayo'y lumihis sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinupad ang mga iyon. Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Ngunit inyong sinasabi, ‘Paano kami manunumbalik?’ Nanakawan ba ng tao ang Diyos? Gayunma'y ninanakawan ninyo ako. Ngunit inyong sinasabi, ‘Paano ka namin ninanakawan?’ Sa mga ikasampung bahagi at sa mga handog. Kayo'y isinumpa ng isang sumpa, sapagkat ninanakawan ninyo ako—ng inyong buong bansa! Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo'y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan. Aking sasawayin ang mananakmal alang-alang sa inyo, kaya't hindi nito sisirain ang mga bunga ng inyong lupa; at ang inyong puno ng ubas sa parang ay hindi mawawalan ng bunga, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Tatawagin kayong mapapalad ng lahat ng mga bansa, sapagkat kayo'y magiging lupain ng katuwaan, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MALAKIAS 3:6-12