Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 6:12-18

LUCAS 6:12-18 ABTAG01

Nang mga araw na iyon, siya ay nagtungo sa bundok upang manalangin at ginugol ang buong magdamag sa pananalangin sa Diyos. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad at siya'y pumili mula sa kanila ng labindalawa na itinalaga niyang mga apostol: si Simon, na tinawag niyang Pedro, si Andres na kanyang kapatid, si Santiago, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinatawag na Masigasig, at si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil. Bumaba siya na kasama nila at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at sa Jerusalem at sa baybayin ng Tiro at Sidon, na pumaroon upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga sakit; at ang mga pinahirapan ng masasamang espiritu ay pinagaling.