Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, noong ako'y kasama pa ninyo, na kailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nakasulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, sa mga propeta, at sa mga awit.” At binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga kasulatan. Sinabi niya sa kanila, “Ganyan ang nasusulat, na kailangang magdusa ang Cristo at muling mabuhay mula sa mga patay sa ikatlong araw; at ipangaral ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa kanyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem. Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito. At tingnan ninyo, ipapadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, subalit manatili kayo sa lunsod, hanggang sa mabihisan kayo ng kapangyarihang galing sa itaas.” Kanyang inilabas sila hanggang sa tapat ng Betania at nang maitaas niya ang kanyang mga kamay, sila'y kanyang binasbasan. At habang binabasbasan niya sila, kanyang iniwan sila [at dinala siya paitaas sa langit]. Siya'y sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na may malaking kagalakan. At sila'y palaging nasa templo na nagpupuri sa Diyos.
Basahin LUCAS 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 24:44-53
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas